Hinimok ng Philippine Retailers Association o PRA sa mga mall owners na mag-adjust sa oras ng kanilang operasyon.
Ito’y upang makatulong sa ginagawang pagresolba sa problema ng trapiko sa Metro Manila.
Mungkahi ng PRA, gawing alas-11:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi ang operasyon ng mga mall sa halip na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ayon kay Samie Lim, Chairman Emeritus ng PRA, makatutulong din ito sa mga empleyado upang makapamili pa ng kanilang mga kinakailangan bago sila umuwi.
Sa ganitong paraan aniya, maililihis ang oras ng biyahe ng mga motorista sa mga mall goers na kadalasang nagsasabay kaya’t nagkakatrapik.
By Jaymark Dagala