Dedesisyunan na ng COMELEC o Commission on Elections sa susunod na dalawang linggo kung gagawing presinto para sa eleksyon ang mga shopping malls.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, aprubado na , ” in principle” ang mall voting subalit kailangan itong ilatag sa En Banc meeting.
Nakadalawang public consultation na ang komisyon hinggil sa isyu ng mall voting.
Kabilang sa mga dumalo sa konsultasyon ang mga kinatawan ng sektor ng persons with disability, senior citizens at mga COMELEC officers mula sa mga rehiyon at lalawigan.
Sinabi ni Bautista na halos 100 malls ang nagpahayag na ng kahandaang maging presinto sa eleksyon.
Sakaling matuloy ito, tinatayang nasa 500,000 hanggang 700,000 botante ang puwedeng bumoto sa mga malls partikular ang mga PWD’s at senior citizens.
By Len Aguirre