Inanunsyo ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi na tuloy ang mall voting.
Sa botong 4-3, sinabi ni COMELEC Chairman Andy Bautista na nagpasya silang ikansela ang pagboto sa mga mall sa halalan sa Mayo 9.
Ipinabatid ni Bautista na mayroong legal question sa naturang usapin kung saan kinakailangan aniyang mailipat sa mga mall ang voting precinct, 45 araw bago ang mismong araw ng halalan.
Matatandaang sa isinagawang botohan ng COMELEC en banc noong March 10, 6 ang bumoto pabor sa panukalang mall voting, habang isa ang hindi sang-ayon.
In Favor
Kumporme si Senador Koko Pimentel sa pasya ng COMELEC na huwag nang ituloy ang mall voting.
Sinabi ni Pimentel na tama lamang ang desisyon ng COMELEC dahil tiyak na panibagong sakit ito ng komisyon kung ipatutupad.
Isa si Pimentel sa unang kumuwestyon sa mall voting dahil malinaw sa Saligang Batas na ang pagboto ay dapat isagawa sa establishment o gusali na pagmamay-ari ng gobyerno maliban na lamang kung may emergency.
Sumulat pa siya comelec para ipaabot ang kanyang pagtutol.
By Meann Tanbio | Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)
Photo Credit: cnnph