Suportado ni Senador Antonio Trillanes IV ang pasya ng Commission on Elections (COMELEC) na ipatupad ang mall voting.
Ayon kay Trillanes, malaking ginhawa ito sa mga botante dahil hindi na nila kailangang pumila ng matagal sa mga polling precinct.
Idinagdag pa ni Trillanes na mas maganda sana kung palalawakin ang saklaw ng mall voting kung saan ipatutupad din ito sa mga probinsya.
Aabot sa 200,000 mga botante ang makikinabang sa mall voting.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)