Hinimok ng grupong Save The Children ang susunod na administrasyon na unahin din ang isyu ng malnutrisyon sa kabataan.
Ayon kay Save The Children Health And Nutrition Advisor Doctor Amado Parawan, nanganganib na kaharapin ng bansa ang mahinang labor force sa hinaharap kung hindi matutugunan ngayon ang lumalalang estado ng malnutrisyon sa mga bata.
Aniya, unang naaapektuhan ng malnutrisyon ang mga mahihirap na pamilya.
Sinabi pa ng grupong Save The Children, isa sa tatlong pilipinong bata ang nababansot dulot ng malnutrisyon.
Kaya naman nanawagan ang grupo kay President-elect Rodrigo Duterte na siguraduhin ang pagbibigay ng mga serbisyong pang-nutrisyon sa buong bansa.
By: Avee Devierte