Tumindi ang malnutrisyon sa bansa.
Batay ito sa survey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI).
Lumalabas sa pag-aaral na mula sa 30.3 percent na malnutrisyon noong 2013, umakyat ito sa 33.4 percent nitong 2015.
Ayon sa FNRI, pinakamalaking bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon ay mula sa Southern Luzon, Eastern Visayas at Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ipinaliwanag ng FNRI na ang pagtaas ng kaso ng malnutrisyon sa bansa ay bunsod ng kawalan ng access ng indigenous people sa serbisyo kagaya ng regular na pagtitimbang, counseling at iba pa.
Malaking factor din ang kawalan ng sapat na nutrisyon ng ina habang nagbubuntis kayat nagiging bansot ang mga ipinapanganak nilang sanggol.
By Ralph Obina
Photo Credit: REUTERS/Rouelle Umali