Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr) ang konstruksyon ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) na magdudugtong sa Manila at Clark International Airport.
Ayon sa pangulo, nais niyang maramdaman na ng publiko partikular ng mga taga-Central Luzon ang ginhawang hatid ng Build, Build, Build Programs ng pamahalaan.
Nagkakahalaga ng $2.75-billion o P141-billion ang 53-kilometer railway line.
Ito ay popondohan sa pamamagitan ng pautang ng Asian Development Bank.
Ang MCRP ay ang bahagi ng north-south commuter railway na layong pagdugtungin ang New Clark City, Clark International Airport at Manila at Calamba sa 2025.