Isa ang Malunggay sa pinakamaraming sustansyang makukuha ng isang indibidwal.
Nagtataglay kasi ito ng Carbohydrates, Phosphorus, Calcium at Iron na nakakatulong para mapatatag o mapatigas ng ating mga buto para labanan ang Osteoporosis.
Mayroon din itong Protein, Potassium, Vitamin A at C na malaking tulong para labanan ang stress at nagpapabagal sa ating pagtanda.
Bukod pa diyan, malaking tulong din ito upang maiwasan ang pagiging Anemic o kulang sa dugo ng isang tao at madalas din itong kinakain ng mga breast feeding woman. —sa panulat ni Angelica Doctolero