Pabor ang Automobile Association of the Philippines (AAP) sa plano ng Land Transportation Office (LTO) na higpitan ang pagkuha ng driver’s license.
Ayon kay AAP President Gus Lagman, isa sa mga dahilan kung bakit marami ang aksidente sa daan ay ang maluwag na proseso sa pagkuha ng naturang lisensiya.
Aniya, dapat ay tuloy-tuloy ang driver’s education ng mga nagmamaneho.
Dapat tuloy-tuloy yung driver’s education, lalo na sa mga bagong aplikante atsaka dapat ituro ang traffic laws kasi maraming hindi nakakaalam ng mga traffic rules,” ani Lagman.
Dagdag pa nito, handa silang tumulong sa LTO para asistehan ang mga kumukuha ng driver’s license.
Kung kailangan nila ng mga tao na magte-test sa mga nag-a-apply ng driver’s license baka sakaling yung mga myembro namin ay willing tumulong sa pagte-test kasi baka kulang sila ng mga tao na mga magte-test ng mga nag-a-apply,” ani Lagman. — sa panayam ng DWIZ Connect.