Nakatakda nang ipatupad ang mas maluwag na testing at quarantine protocols para sa mga uuwi na mga pasaherong Pilipino galing sa ibayong dagat na pawang mga nabakunahan na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa inilabas na guidelines ng IATF, lahat ng mga pilipinong naturukan na ng 1st at 2nd dose ng vaccine ay dapat na may bitbit na vaccination card sakaling magtungo sila sa labas ng bansa upang ma-beripika ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Samantala, kung uuwi naman sila ng Pilipinas ay kailangan nilang ipresenta ang naturang card sa Bureau of Quarantine upang muling ma-verify sa ilalim ng verification one stop shop ng DOTr.
Dapat din aniya silang dumaan sa pitong araw na facility based quarantine pagdating nila sa Pilipinas na imo-monitor ng Bureau of Quarantine.
Kapag hindi sila nakitaan ng anumang sintomas ng virus sa loob ng pitong araw na quarantine ay bibigyan sila ng boq ng quarantine certificate kungsaan makikita dito ang vaccination status ng isang indibidwal na naturukan na ng bakuna kontra covid.