Iginiit ni Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte na regalo lamang sa kaniya ang sinasabing mamahaling relo na kaniyang natanggap.
Ito’y makaraang batikusin ng isang netizen ang post ng nakababatang Duterte sa social media suot ang isang Swiss Luxury Watch na Audemars Piguet na nagkakahalaga ng halos 2 Milyong Piso.
Ayon kay Vice Mayor Pulong, bilang opisyal ng gobyerno, wala aniya siyang karapatan na magsuot ng ganuong kamahal na relo o maging imitasyon man niyon kaya’t nagpasya siyang ipabalik iyon sa nagbigay.
Hinamon pa ng bise-alkalde ang media na ibenta ang nasabing relo at paghati-hatian ang mapagbebentahan dito.
SMW: RPE