Naungkat sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa 2020 COA report sa DOH ang mga mamahaling sasakyang nakapangalan sa negosyanteng si Rose Nono-Lin na isinasangkot sa mga kuwestiyonableng transaksiyon sa gobyerno nuong nakalipas na taon.
Binigyang diin ni Lin na sadyang mahilig ang asawa niyang bumili ng mga sasakyan lalo na’t sapat naman ang naipundar nila mula sa mga lumago nilang negosyo bago mag pandemya.
Ayon pa kay Lin, natural na sa kaniyang asawa at mga kaibigang negosyante nito ang pagkahilig sa mga sasakyan kaya’t normal na ang pagkakaruon ng mga bagong sasakyan na ang ilan ay nakapangalan sa kanya.
Natuwa naman si Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon sa anito’y positibong pananaw at diretsahang pagsagot ni Lin hinggil sa mga nasabing kotse.
Kasabay nito, nangako si Lin na makikipagtulungan sa mga otoridad upang matunton ang mga taong tunay na sangkot sa nasabing isyu.