Anim ang sugatan kabilang na ang ABS-CBN Reporter at Anchor na si Doris Bigornia sa Karambola ng mga sasakyan sa EDSA – Shaw Blvd underpass sa Mandaluyong City kahapon.
Dahil dito, nagdulot ng mabigat na daloy ng mga sasakyan dahil kinailangang isara ang northbound lane ng EDSA mag-aalas 2:00 ng hapon pero nabuksan din naman dakong alas 3:30 ng hapon.
Sinasabing nagloko ang makina ng isang Montero Sport na may plakang PQS-314 habang binabaybay nito ang Southbound Lane na tumawid sa kabilang lane hanggang sa bumaliktad.
Agad namang itinakbo ang mga sugatan kabilang na ang isang babaeng walang malay sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng atensyong medikal.