Pinayagan na ng gobyerno ng Pilipinas na makapasok ng bansa ang mga mamamayan ng Hong Kong, Macau at Brazil kahit walang visa.
Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force o IATF resolutoin 164-A, papayagan nang manatili sa Pilipinas hanggang 14 na araw ang mga dayuhan na may passport ng Hong Kong Special Administrative Region o SAR o Macau SAR.
Pero kailangang sila ay fully vaccinated kontra COVID-19, may negatibong resulta ng RT-PCR test o antigen test sa loob ng 48 hours at 24 hours at may valid na passport sa loob ng 30 araw na pananatili sa Pilipinas.—sa panulat ni Abby Malanday