Pinayuhan ni South Korean President Park Geun hYe ang kanilang mamamayan na manatiling kalmado sa gitna ng outbreak ng MERS-CoV sa kanilang bansa.
Tiniyak ni Park na ginagawa lahat ng gobyerno para puksain ang MERS-CoV at sa katunayan ay bumuo na sila ng comprehensive quarantine strategy.
Kasunod na rin ito nang naitalang walong bagong kaso ng MERS-CoV sa nasabing bansa kung saan umakyat na sa 95 ang kabuuang kaso at 7 na ang nasawi.
By Judith Larino