Inihirit ni Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile ang pagkakaroon full plenary debate sa committee report kaugnay sa Mamasapano incident.
Dismayado si Enrile dahil hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang pagpatay sa 44 na PNP-SAF commando na nagsagawa ng operasyon laban sa Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Nagtataka si Manong Johnny kung bakit hindi pinagdedebatehan sa plenaryo ang committee report ni Senador Grace Poe na Chairperson ng Committee of Public Order and Dangerous Drugs.
Dahil dito, inihayag ni Enrile na maaaring nagdududa ang publiko na may itinatago ang senado kaya’t hindi tinatalakay ang Mamasapano incident sa plenaryo.
Bagaman pinaboran ni Poe ang panawagan ni JPE, sa Nobyembre pa maaaring matalakay ang committee report upang magbigay daan sa paghahain ng certificate of candidacy.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)