Pinawi ni Senate Committee on Public Order Chairperson Grace Poe ang pangamba na baka magamit lang sa pamumulitika at grandstanding ang gagawing reinvestigation sa Mamasapano incident.
Tiniyak ni Poe na hindi niya hahayaang magamit sa pamumulitika ang muling pagbubukas sa imbestigasyon na nag-ugat sa hiling ni Senador Juan Ponce Enrile.
Katunayan, sinabi pa ni Poe na kumpiyansa na nga siya sa kanilang naging findings noong nakaraang taon ukol sa malagim na insidente.
Subalit, nilinaw din ni Poe na wala siyang balak na ipatawag ang kalaban niya sa presidential race na si dating DILG Secretary Mar Roxas para magbigay-linaw din sa nasabing usapin.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)