Pabor si Senador Koko Pimentel sa hirit ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na muling buksan ang imbestigasyon sa madugong Mamasapano massacre.
Sinabi ng senador, makabubuting maipalabas ang buong katotohanan upang hindi na maulit pa ang malagim na sinapit ng tinaguriang SAF 44.
Gayunman, sinabi ni Pimentel na back to square one ang mangyayari sa committee report na ginawa ni Senadora Grace Poe dahil sa ibabalik ito sa komite para sa re-investigation
Magugunitang nakakulong si Enrile nang isagawa ang nasabing pagdinig kaya’t nais itong pabuksang muli upang malinawan sa maraming bagay.
By Jaymark Dagala