Binuksan nang muli ng Senado ang imbestigasyon nito kaugnay sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao isang taon na ang nakalilipas.
Pinangunahan ni Senate Committee on Public Order Chair Grace Poe ang pagdinig kung saan, naroon din si Senador Juan Ponce Enrile na siyang nagpatawag ng pagdinig gayundin sina Senador Gringo Honasan, TG Guingona, Bongbong Marcos, Chiz Escudero, Sonny Angara, Tito Sotto, Bam Aquino at Nancy Binay
Dumalo rin bilang mga resource persons sina Executive Secretary Pacquito Ochoa, PCOO Secretary Sonny Coloma, PNP Chief Dir.Gen. Ricardo Marquez, AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri at National Security Adviser Cesar Garcia.
Kasama rin ang mga key personalities na sina dating DILG Sec. Mar Roxas, sinibak na PNP Chief Alan Purisima, dating PNP OIC Leonardo Espina, dating PNP SAF Commander Getulio Napeñas, dating Saf Deputy Commander Noli Taliño at dating Board of Inquiry Chair retired Police Dir. Benjamin Magalong.
Dumalo rin sa pagdinig ang mga opisyal ng pulisya at militar na sina dating AFP Chief of Staff Gregorio Catapang, Maj. Gen. Edmundo Pangilinan, General Rustico Guererro, S/Supt. Hendrix Mangaldan at C/Supt. Edgar Basbas.
Sa kanyang opening statement, binigyang diin ni Senadora Grace Poe na ang paghahanap sa katotohanan ang pinakamagandang parangal na maibibigay sa mga nasawing SAF 44.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni Senator Grace Poe
Chain of command
Dapat palakasin ang chain of command hindi lamang sa sandatahang lakas kundi sa lahat ng unit ng lipunan.
Ito naman ang binigyang diin ni Senador Gringo Honasan, Vice Chair ng Senate Committee on Public Order sa muling pagbubukas ng imbestigasyon hinggil sa madugong Mamasapano encounter isang taon na ang nakalilipas.
Sa kanyang opening statement, sinabi ni Honasan na mahalaga ang paghahanap ng katotohanan upang maisaayos ang mali ng nakalipas.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni Senator Gringo Honasan
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)