Dismayado ang isang mambabatas sa kanselasyon ng JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.
Sinabi ni Congressman Isagani Zarate sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” isang malaking balakid ito sa minimithing makamtan na pangmatagalang kapayapaan.
Nakapanghihinayang, aniya, dahil may mga pagsulong pa man din sa substantive agenda ng peace process nitong nakaraang limang buwan, partikular na ang isyu ng kahirapan na siyang ugat, aniya, ng malawakang armadong rebelyon sa Pilipinas.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Rep. Zarate sa BNSP ng DWIZ
Gayunpaman, ayon kay Zarate, bukas pa rin siya na magbabago pa ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na, aniya, kapag nalaman niyang nananawagan din ang National Democratic Front na ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Paliwanag ni Zarate, tatlumpung araw pa pagkatanggap ng liham ng JASIG termination saka lang magkakabisa ito.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Rep. Zarate sa BNSP ng DWIZ
By: Avee Devierte