Iginiit ng isang mambabatas na hindi dapat makialam si Solicitor General Jose Calida sa illegal detention case na isinampa laban kay Janet Lim Napoles.
Sinabi ni Congressman Alfredo Garbin, dapat hayaan na lamang ni Calida ang Court of Appeals na magproseso sa ginawang apela ng kampo ng tinaguriang pork barrel scam mastermind.
Ayon pa kay Garbin, dahil sa ginawa ni Calida, nagkakaroon na ngayon ng pagdududa sa motibo ng Solicitor General sa pagtatanggol kay Napoles.
Samantala, nagulat din ang grupong BAYAN MUNA sa nasabing hakbangin ni Calida.
Sinabi ni Congressman Carlos Zarate na kaduda-duda ang pagbibigay ni Calida ng tila ispesyal na interes sa kaso ni Napoles.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc