Nanawagan si Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy sa mga Filipino sa Chicago at Midwestern United States na tumulong sa paghahanap sa isa sa mga suspek sa pagpatay sa U.S.T. Law Student at Hazing Victim na si Horacio “atio” Castillo the Third.
Magugunitang umalis ng Pilipinas si Ralph Trangia patungong Taiwan at sumakay ng connecting flight papuntang Chicago, U.S.A., noong Martes, isang araw bago ilabas ng Department of Justice ang Immigration Lookout Bulletin sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Ayon kay Dy, author ng House Bill 3467 o Revised Anti-Hazing Law, dapat isumbong sa mga otoridad ng mga Pinoy sa Chicago at Midwest U.S.A. sakaling mamataan si Trangia.
Dapat anyang magkawang-gawa ang bawat Filipino upang mabigyan ng katarungan si Atio at mahanap ang suspek.
Hinimok naman ni Dy ang Department of Foreign Affairs na kanselahin ang mga pasaporte ng lahat ng suspek sa pagkamatay ni Castillo.
SMW: RPE