Pinamamadali ni Congresswoman Yedda Marie Romualdez ang pagpasa sa panukalang pagtatayo ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Ayon kay Romualdez, isa sa mga may akda ng panukala, mas magiging maayos ang paghahanda ng gobyerno laban sa mga kalamidad kung mayruong hiwalay na tanggapang mangangasiwa rito.
Sinabi ni Romualdez na hindi na dapat maulit ang nangyari sa kanilang lugar sa Leyte na naging ground zero dahil sa Bagyong Yolanda kung kailan naging pahirapan ang disaster response at relief operations sa mga biktima ng bagyo dahil sa walang central agency na nakatutok dito.
Sa ngayon, ang disaster preparedness and management ay nasa poder ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa ilalim ng Office of Civil Defense (OCD) na attached agency ng Department of National Defense (DND).
(Ulat ni Jill Resontoc)
Leyte Cong. Yedda Marie Romualdez humiling sa Kongreso na ipasa na ang Department of Disaster Resilience bill # @dwiz882 pic.twitter.com/ioZCCGSjYY
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) September 11, 2018