Guilty ang hatol ng sandiganbayan kay Samar Congresswoman Milagrosa Tan na nahaharap sa walong counts ng kasong graft.
Just In:Sandiganbayan-4 has convicted Samar Cong.Milagrosa Tan for 8 counts violation of Anti graft and corrupt practices act @dwiz882 pic.twitter.com/pxQAnxjmKz
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 1, 2019
Sa desisyon ng 4th division, may basehan ang argumento ng prosecution laban kay Tan na hinatulang makulong ng animnaput dalawa (62) hanggang isandaan at labing limang (115) taong pagkakakulong.
Convicted Samar Cong.Milagrosa Tan pinayagan ng Sandiganbayan-4 na mag-bail ng P240,000 para pansamantalang makalaya pending ang kanyang appeal sa korte @dwiz882 pic.twitter.com/JctPB9mCY4 — JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 1, 2019
subalit nakapagbayad naman na si tan ng piyansa na P240,000 kaya’t nakalaya bagama’t disqualified na sa anumang puwesto sa gobyerno.
Graft cases Convicted Cong.Milagrosa Tan nakalaya pansamantala matapos mag-bail ng P240,000 sa Sandiganbayan-4.Siya ay hindi ikukulong habang pending ang kanyang appeal sa Korte @dwiz882 pic.twitter.com/ONgdIsXHGD
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 1, 2019
Nag-ugat ang kaso laban kay Tan nuong gobernador pa ito ng Samar matapos ang maanomalyang pagbili ng emergency supplies na nagkakahalaga ng mahigit P16 million nuong 2001.
Bukod sa kasong graft dinidinig pa ng korte ang iba pang graft at malversation cases laban kay Tan.