Nagbitiw sa puwesto ang managing editor ng The Manila Times (TMT).
Kasunod ito ng kontrobersyal na artikulong inilabas ng pahayagan hinggil sa matrix ng mga umano’y magkakasabwat na indibidwal para patalsikin sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Isinumite ni Felipe Salvosa II ang kaniyang resignation letter matapos magalit umano si Manila Times owner at chairman Emeritus Dante Ang sa tweet ng nasabing editor na kumuwestyon sa artikulo hinggil sa matrix kung saan idinadawit ang PCIJ, Vera Files, Rappler at National Union of Peoples Lawyers (NUPL) sa plot para patalsikin sa pwesto ang pangulo.
Sinabihan umano ni ang si Salvosa na umalis na sa kaniyang puwesto na tinapatan naman ng editor na handa na siyang magbitiw.
Samantala, naglabas ng pahayag ang TMT kaugnay ng pagbibitiw ni Salvosa.
The Manila Times’ statement on Mr. Felipe Salvosa’s resignationhttps://t.co/H1yPJeClWe pic.twitter.com/PUCGyR3vsT
— The Manila Times (@TheManilaTimes) April 25, 2019