Nasungkit ng nag-iisang mananaya sa Laguna ang mahigit P8 milyong jackpot sa Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng bettor ang winning combination na 09-25-35-21-15-37.
Natumbok naman ng 30 mananaya ang anim na kumbinasyon kaya’t kapwa nanalo ang mga ito ng tig-P24,000.
Binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.