Kinalma ng Malakanyang ang publiko na huwag mag–panic at manatiling kalmado kasunod ng unang naitalang kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, on the top of the situation ang gobyerno lalo na ang Department of Health.
Tiniyak nitong magtutulungan ang mga health, research at law enforcement agencies para maiwasan ang pagkalat ng nCoV.
Bukod dito ay nakikipag tulungan na rin ang DOH sa health at research authorities sa Australia, Japan at China kung paano ang gagawing aksyon sa virus.
Patuloy naman ang gagawing stringent customs, immigration at quarantine measures sa mga pasaherong magmumula sa China para hindi kumalat ang virus sa bansa.
Nakikipag ugnayan na rin ang pamahalaan sa mga otoridad sa China para sa posibleng repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) kung kinakailangan.