Naglabas ng ordinansa ang Mandaluyong City Council na kokontrol sa paglabas ng mga indibidwal sa lungsod na hindi pa fully vaccinated kontra Covid-19.
Sa ilalim ng Section 4 ng Ordinance No. 869, series of 2022, lahat ng non-fully vaccinated individual ay kailangang manatili sa kanilang tahanan maliban kung bibili ng essential goods at services.
Hindi rin sila papayagan sa mga indoor at outdoor o al fresco din-in restaurants at iba pang lugar tulad ng malls, hotels at iba pa.
Wala ring kakayahan ang mga hindi pa fully vaccinated na sumakay ng pampublikong sasakyan maliban na lamang kung essential ang gagawin.
Pirmado at inaprubahan ang ordinansa ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos nitong January 8. –Sa panulat ni Abby Malanday