Inalis na ng Mandaluyong City government ang kanilang itinalagang firecracker zone at tuluyan nang ipinagbawal ang pagamit ng paputok sa lungsod.
Sa ipinalabas na abiso nina Mandaluyong City Carmelita Menchie Abalos at ng dalawampu’t pitong barangay chairman ng lungsod, kanilang napagpasyahan na tanggalin ang firecracker zones para himukin ang mga residente na huwag nang gumamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
Pinayuhan na lamang ng lokal na pamahalaan ng manaluyong ang mga tao na gumamit na lamang ng mga lusis at iba pang mga pailaw.
Mahigpit ding ipatutupad ng Mandaluyong City government ang no firecracker zones kung saan nagpakalat na sila ng mga pulis, miyembro ng Bureau of Fire Protection, medical team at mga opisyal ng barangay.
Mandaluyong totally bans the use of firecrackers
Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos and the 27 barangay chairmen have decided to remove all firecracker zones, making the city firecracker-free for the coming New Year’s Eve celebration.
— MandaluyongPIO (@MandaluyongPIO) December 29, 2017
Paalala sa lahat ng MANDALEÑOS!!! #mandaleñodisiplinado pic.twitter.com/ty4ObX0JuA
— MandaluyongPIO (@MandaluyongPIO) December 29, 2017