Kinukulang na rin sa supply ng COVID-19 vaccine ang Mandaluyong City.
Ayon kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, isa lang sa anim na vaccination sites sa lungsod ang nagbukas ngayong araw.
Ang mga naka-schedule lamang ngayong araw ay para sa ikalawang dose ng halos 1K senior citizen.
Tiniyak naman anya sa kanila ng DOH at IATF na may darating pang supply sa susunod na linggo.
Sa ngayon, nasa 83K indibidwal na ang binakunahan ng unang dose at mahigit 25K ang naturukan ng ikalawang dose o mga fully vaccinated na.
Kaninang umaga, dumating ang karagdagang 1 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine sa bansa habang 2.2 milyong doses ng Pfizer vaccine ang darating mamayang gabi.—sa panulat ni Drew Nacino