Namagitan na ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa isyu sa pagitan ng globe telecom at pamahalaang Barangay ng plainview kaugnay sa pagpapatayo ng cell site.
Ayon kay Councilor Roehl Bacar, hindi na kailangan pang kumuha ng building permit, fire safety, evaluation clearance, Barangay clearance o locational clearance sa aplikasyon para sa konstruksyon ng telecommunications tower infrastructure.
Sinabi rin ni Bacar na nagpalabas din ang kanilang konseho ng resolusyon para mapadali ang proseso at requirements sa pagkuha ng permits, lisensya at clearances sa pagpapatayo ng mga imprastraktura o pasilidad para sa telekomunikasyon.
Ito’y alinsunod na rin aniya sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing madali at mabilis ang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa mga aplikasyon ng mga telcos.
Kaya naman tiniyak ni Bacar na patuloy silang mamamagitan sa globe at Barangay Plainview para maging maayos ang lahat ng isyu na naaayon sa batas.