Sisimulan na ng Mandaluyong City ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga hindi residente ng lungsod.
Ayon sa Mandaluyong City Government, uubrang magpa rehistro muna sa MandaVax (www.mandaluyong.gov.ph/vaccine) ang mga non-residents na nais magpa bakuna at maghintay ng tugon mula sa MandaVax call center hinggil sa kanilang schedule.
Ipinaalala ng city government ang pagdadala ng valid ID at ang pagbabakuna anito ay mahigpit na ipatutupad bu appointment kayat hindi papayagan ang mga walk-in.