Binatikos ng isang eksperto ang Department Of Health o DOH sa pag-uutos nito sa mga lokal na pamahalaan na huwag ianunsyo ang brand ng COVID vaccines sa partikular na vaccination sites.
Sa Twitter post ni Dr. Gene Nisperos, Assistant Professor sa UP College of medicine, kinuwestiyon nito ang naturang polisiya nais ipinatupad ng DOH.
Ipinarating ni Nisperos sa DOH at IATF kung talaga bang naniniwala sila na mas magpapabakuna ang mga tao kapag hindi nila alam ang ibabakuna sa kanila.
Giit ni Nisperos kung iyon ngang alam ng tao ang ibabakuna sa kanila ay hirap pa rin silang makahikayat, ano pa kaya ang kalalabasan kung hindi nila ito malalaman.
Iminungkahi ni Nisperos na sa halip na hindi pag-aanunsyo ng brand ng bakuna ang gawin, ay magsagawa ng karagdagang dayalogo at paigtingin pa ang pagpapakalat ng impormasyon at kampanya para sa pros at cons ng pagpapabakuna.