Ipagpapatuloy ng senado ang kanilang mga imbestigasyon in aid of legislation.
Ito ang iginiit ni Senator-elect Ping Lacson sa harap ng banta ni incoming President Rodrigo Duterte sa Kongreso, tanggapan ng Ombudsman at Commission on Human Rights na huwag siyang iipitin kaugnay sa mga ipatutupad nitong kampanya.
Nanindigan si Lacson na walang sinuman ang maaaring magdikta at pigilan ang Senado na gawin ang kanilang trabaho gaya ng pag-iimbestiga kahit pa ang pangulo ng bansa.
Binigyang diin ni Lacson na dapat irespeto ng uupong pangulo ang mandato at mismong institusyon gaya ng Senado.
Si Lacson na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ay ang pinaniniwalaang mamumuno sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs pagpasok ng 17th Congress.
By Ralph Obina