Inanunsiyo ng pamahalaan ng Thailand na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa naturang bansa.
Ayon kay Thailand prime minister Prayut Chan-O-Cha, ang pagsusuot ng publiko ng surgical o cloth mask ay voluntary practice na lamang.
Bagamat iminumungkahi pa rin nito na patuloy pa ring isuot ang face mask sa sarado at masisikip na lugar.
Samantala, inanunsyo naman ng isang kompanya ng tren na kailangan pa ring magsuot ng face mask ng mga pasahero tuwing sasakay dito.