Dinepensahan ng Department Of Health (DOH) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na gawing mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa tuwing lalabas ng bahay.
Giit ni Health Secretary Francisco Duque III, may batayan ang naturang desisyon at ito ay para sa kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.
Dagdag pa ni Duque hindi dapat na mapagod sa pagsunod sa mga health protocols dahil hindi pa rin natatapos ang banta ng nakahahawang sakit.
Kasabay nito, muling nagpaalala si Duque sa publiko na limitahan ang mga gagawing salo-salo ng pamilya ngayong pasko upang makaiwas pa rin sa COVID-19.