Tuluyan nang ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng faceshield kapag lalabas ng bahay.
Ito ang inanusyo ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People makaraang aprubahan ang rekomendasyon ng Technical Advisory Group ng DOH.
Gayunman, nilinaw ng Pangulo na dapat pa ring magsuot ng face shield sa mga closed at crowded area.
Ipinag-utos na rin ng punong ehekutibo ang agarang paglabas ng implementing guidelines.
I will order that we accept the recommendations itong executive department and just remember yung bawal yung 3cs— crowded, closed and close-contact…iyang tatlo na ‘yan face shield is a must pa rin,″ pahayag ni Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino