Inihayag ni Speaker Lord Allan Velasco na dapat ay irekonsidera ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar partikular na sa mga mall, commercial establishment, at public transportation.
Nabatid na nagbigay ng rekomendasyon si Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang pag-oobliga sa mga indibidwal sa pagsusuot ng face shield.
Sa liham na ipinadala ng mambabatas, sinabi niya na ang pagsusuot ng faceshield ay hindi nakakatulong sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Velasco, wala umanong matibay na ebidensya na ang paggamit ng face shield ay epektibo para mapigilan ang transmission o pagkalat ng COVID-19.
Aniya, tanging ang Pilipinas lamang sa mga bansa sa buong mundo ang gumagamit ng faceshield kung saan, mas nahihirapang umangat ang ekonomiya dahil sa dagdag na gastos ng pamahalaan.
Base sa COVID-19 low income household panel and economic o hope, 56% ng mga pinoy ay walang sapat na budget para makakain.
Aniya ang paggastos o pagbili ng faceshield ay maaring gamitin bilang pandagdag sa pambili ng pagkain ng isang mahirap na pamilya sa bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero