Libre na ang mandatory occupational health and safety training sa mga lugar ng trabaho o workplaces simula ngayong taon.
Ito’y matapos lagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang isang direktiba na naglalayong itaguyod ang kalusugan at kaligtasan sa trabaho at paluwagin ang pasanin ng mga negosyante ngayong panahon ng pandemya.
Matatandaang naisabatas ang Republic Act No. 11058 o Occupational Safety and Health Standards Law noong 2018 kung saan inoobliga nito ang mga employers na ipatupad ang occupational safety and health standards para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.