Iwawasto at bibigyan ng suporta sa lahat ng aspeto.
Ito ang binigyang-diin ni Retired Justice Alex Quiroz, chairman ng GCG o Governance Commission for the GOCC’s para maipakita sa publiko ang silbi ng mga ahensya at korporasyong nasa ilalim ng gobyerno.
Ipinabatid ni Quiroz na 29 mula sa 37 GOCC’s na ang kanilang nakakausap kaugnay sa performance ng mga ito, alinsunod na rin sa performance at management audit na isinasagawa nito.
Sinabi ni Quiroz na handa ang ahensya sa pagsusulong ng recovery programs para sa mga GOCC’s.
Gayunman, inihayag ni Quiroz na hindi makakalusot ang anumang hakbanging waldasin ang pondo ng gobyerno lalo na’t mahigpit ang bilin ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tutukan ang operasyon ng mga ahensyang nasa ilalim ng gobyerno.
Tiniyak ni Quiroz ang mahigpit na pagpapatupad ng mandato nilang: Upholding A Transparent and Responsive GOCC Sector for the Filipino People.