Pinaninindigan ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang isinusulong na mandatory drug test sa mga batang mag aaral na may edad sampu pataas.
Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, lumabas sa pag aaral ng mga expert at psychologists na kinunsulta nila na walang magiging masamang epekto sa pag iisip ng mga bata ang mandatory drug test.
Dadaan naman anila kung sakaling ang nasabing drug test bilang paraan na magiging katanggap tanggap sa mga magulang ng mga bata.
Tiniyak rin ni Ortiz na bibigyan ng kaukulang privacy ang resulta ng gagawing drug test sa mga batang mag aaral.
Una nang inihayag ng Department of Education ang pagkontra sa naturang panukala ng PDEA na anito’y labag sa umiiral na Dangerous Drugs Act kung saan ay tanging mga mag aaral lamang sa high school ang pinapayagang isalang sa random drug testing.