Suportado ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang rekomendasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na isailalim sa mandatory drug testing ang estudyante simula grade 4.
Ito, ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ay upang maiwasang masangkot sa illegal drugs ang mga kabataan.
Naniniwala si Mallari na madaling mahikayat na gumamit ng iligal na droga ang mga batang sampung taong gulang pataas dahil nasa punto pa ang mga ito nang pagiging mausisa.
Nanawagan naman ang obispo sa mga guro at magulang na makipagtulungan na lamang sa anti-narcotic programs ng gobyerno.