Muling iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila aprubado ang rekomendasyong drug testing para sa mga kakandidato sa Halalan 2022.
Ito’y kasunod ng mga mungkahi ng ilang tatakbo sa pangkapangulo na gawing mandatory ang drug test sa lahat ng kakandidato.
Nilinaw naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na noon pa nila ito inihain sa korte suprema ngunit idineklarang unconstitutional dahilan para itigil ng ahensya ang pagsulong nito. —sa panulat ni Airiam Sancho