Nagpatupad ng ‘mandatory evacuation’ ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur dahil sa malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha at landslides.
Partikular na iniutos ni Governor Luis Villafuerte sa mga alkalde at kapitan ng barangay ang paglilikas sa mga pamilyang naninirahan sa mga ‘flood prone’ at ‘landslide areas’.
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Bicol Region, nakapagtala na ng pagbaha sa Barangay Caguiscan at landslide naman sa Barangay Patrocinio sa Lagonoy, Camarines Sur.
Dahil dito, hindi na madaanan ang bahagi ng Lagonoy-Presentacion Road.
—-