Inihayag ng Department of Foreign Affairs na epektibo na ang pagpapatupad ng mandatory evacuation sa mga ofws sa Ethiopia sanhi ng “continued and intensifying conflict” sa Tigray at mga karatig-rehiyon sa nasabing bansa.
Sinimulan nitong Huwebes ang pagpapatupad kung saan, sa ilalim ng alert level system ay nagsasagawa ng mandatory evacuation procedures ang gobyerno ng Pilipinas.
Bukod dito, ipinagpaliban nadin ang pagbiyahe ng mga pinoy sa Ethiopia.
Sakali namang mangailangan ng tulong ang mga pinoy sa nasabing bansa ay maaring makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Cairo sa numerong: (+202) 252-13062 o telepono: (+251) 118 648 752.
Maaari ding mag-iwan ng mensahe sa kanilang Facebook page na Philippine Honorary Consul at email na: hc.philippines.aa@gmail.com. —sa panulat ni Angelica Doctolero