Iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sapilitang paglilikas sa mga residenteng nakatira sa loob ng 14-kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Taal.
Kasunod ito ng muling pagtaas ng lebel ng sulfur dioxide na lumalabas mula sa bulkan at patuloy na pagyanig sa kapaligiran.
Gayunman, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na hindi kailangan ng mandatory evacuation sa mga matataas na lugar kahit pa nasa loob ito ng 14-kilometer danger zone.
Inihalimbawa ni Solidum ang Tagaytay City ridge na anya’y masyadong mataas para abutin ng base surge, volcanic tsunami o pyroclastic current sakaling sumabog ng malakas ang Taal.