Sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration ang implementasyon ng Expanded Compulsory Insurance Coverage para sa land-based returning at directly hired Overseas Filipino Workers.
Alinsunod ito sa utos ni Migrant Workers secretary Susan Ople at Subject ng Department Order Number 228 na ininsyu naman ng Department of Labor and Employment noong October 2021.
Ayon kay Ople, makatitipid ang mga umuuwing OFW ng P1, 700 na halaga ng Mandatory Insurance Coverage at mababawasan ang requirements ng gobyerno dahil sa suspensyon.
Gayunman, mananatili anya ang mandatory insurance coverage para sa mga Newly-hired OFW alinsunod sa batas.