Hindi na kailangang magbayad ng compulsory insurance premiums ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) bago umalis ng bansa.
Ito ang inanunsiyo ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, aniya ito ay magbibigay-daan sa mga rehired at direct hired na OFWs na makaipon ng hindi bababa sa 1,700 pesos.
Nabatid na sa ilalim ng Department order, ang mga employer o ang mga manggagawa mismo ang magbabayad para sa insurance coverage na sasailalim sa refund sa unang araw ng pagdating sa bansang destinasyon.
Inihayag naman ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Bernard Olalia na sinuspinde ang compulsory insurance policy bilang pagsasaalang-alang sa pagpapabuti ng kalagayan ng global health.