Mananatili ang mandatory mask rule sa Davao City hanggang December.
Ito ang binigyang-diin ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte na hindi agarang ipatutupad ang mas maluwag na face mask policy sa lugar.
Ayon kay Duterte, suportado niya ang rekomendasyon ni acting City Health Officer Dr. Ashley Lopez na panatilihin ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor setting hanggang Disyembre.
Giit pa ng alkalde na ipatutupad lamang niya ito kung magiging maayos ang ilang lugar sa bansa pagkatapos ng implementasyon ng naturang mask rule.
Nabatid na simula July ng taong ito ay tumaas ang active COVID-19 cases sa Davao City.