Dapat gawing mandatory na ang pagbabakuna sa mga Pilipino laban sa COVID-19.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa gitna ng banta ng Omicron variant ng COVID-19 na naitala sa maraming bansa.
Ayon kay Concepcion mahalaga na maturukan na ng bakuna ang mga mamamayan para maibalik na rin ang sigla ng ekonomiya.
Bukod dito, nagpaabot rin ng suporta si Concepcion sa naging hakbang ng pamahalaan na kailangan sumailalim sa RT PCR test ang mga manggagawa na ayaw magpabakuna.
Matatandaang, nagpatupad na ang Pilipinas ng travel ban sa maraming bansa na mayroong naitalang Omicron variant.